Posted in Uncategorized

Try niyo lang magsuot ng heels…

Bakit nga ba ang hirap umamin?

Sa tuwing lalapit, kabog ng puso’y sobra ang tulin

Buti pa sa isip, nalalabas laman ng damdamin

Buti pa ang papel, naririnig hiyaw ng damdamin

Isulat ang tamang sagot at ipaliwanag.
1. Bakit nga ba mahirap umamin?

A. Babae

B. Nahihiya

C. Takot mareject

D. Takot na baka lumayo siya at umiwas

E. Wala sa nabanggit
Letter A at B. Babae at Nakakahiya: Oo, nakakahiyang umamin! Nakakahiya, lalo na kapag babae ka! Bakit? Ganto kasi ang konsepto ng isang babae, dapat isa kang Maria Clara: babaeng may dignidad at delikadesa. Sa mundong puno ng mapangmatang mga tao, mahirap sumuway sa mga nakasanayan na. Kalaban mo ang buong mundo. Lahat sila nakatingin sayo. Nakakahiyang ikaw ang unang lumapit at umamin ng nararamdaman kasi iisipin nilang desperada ka, malandi, etsetera. Aray te! Agad-agad? Bakit? Nasaan ang hustisya? Siguro ang sarap maging lalaki no? Kapag gusto mo ang isang babae, madaling mapormahan, madali mong makuha kahit pakindat kindat lang tapos ano sa huli ano? Lolokohin mo lang? Charot. Ibang kwento na yun. Pero kapag kaming babae ang nagkagusto, ilang linggo na ang dumaan di pa rin namin masabi ang aming tunay na nararamdaman. Wag niyo naman kaming masyadong husgahan please lang. Ang sakit kaya magtago ng nararamdaman. 
Letter C. Takot mareject: Bakit ka matatakot, girl? Aamin ka lang naman uy! Nanliligaw ka ba? Huh? Di mo trabaho yun. Wala ka dapat asahan na sagot kasi AAMIN KA NGA LANG. MAGSASABI, MAGPAPAHAYAG NG NARARAMDAMAN. Kinaps lock ko na para maramdaman mo. Normal lang naman na matakot, pero its now or never ika nga. Kaya ya go girl!  Kapag nakaamin ka na, congrats! At least, ipinaalam mo sa kanya ang feelings mo, malay mo maganda ang maging resulta nito? At pumabor ang tadhana sayo! 
Letter D. Takot na baka lumayo siya at umiwas: Okay lang yan girl. Normal yan. Normal na umiwas yan kapag nakakatakot ang pagapproach mo. Haha. Normal din na lumayo yan kapag natakot at wala siyang gusto sayo. Okay lang yan, kung umiwas at lumayo siya e di okay. Hayaan mo. Wag kang madown. Wag kang manlumo. At least, naging considerate at kind pa siya dahil di niya ginamit yun para paasahin ka. At least, may closure ka na at matanggap na hindi kayo talo, at walang “kayo” sa pahina ng chapter ng buhay mo na ito. Wag ka ding mainis kung feeling mo napahiya ka dahil sa ginawa mo. Ang tapang mo girl! At  at least ngayon, alam mo na ang sagot sa tanong. 

Wala sa nabanggit: Sobrang naguguluhan. Hindi mo alam talaga yung specific na dahilan kung bakit ayaw mo umamin. Madaming gumugulo sa isip mo. Nagkahalo halong insecurity, anxiety at kung ano ano pa. Baka kasi di niya ako magustuhan. Ang gwapo niya masyado. Nakakahiya. Hindi niya ako deserve. Wala rin naman kung aamin ako. Bakit ako aamin, di naman niya ako pakikinggan. Di niya naman ako papansinin. Ang panget ko kasi. Okay. Shut up na girl. Naiintindihan kita, nakakainsecure talaga minsan. Lahat din naman tayo nakakaramdam ng ganyan. Pero, hanggang kailan ka pa magpapatalo sa sarili mong anino? Confidence! Baka yan lang talaga ang kailangan mo. Baka naghihintay lang din talaga siya sayo. Baka yan lang ang kailangan para makita mo ang istorya niyo.
Ewan ko ba, pero torpe kasi talaga kami. Palaging nauunahan ng emosyon sa mga bagay-bagay. Pala-isip. Pano, mga magaganda at sexy lang naman kasi ang nakikita niyo, ay pati mapuputi. Mga paladesisyon din kami, judgmental. Alam niyo bang makita lang namin kayong may kasamang babae, naiiyak na kami? Natatakot na kami. Nawawalan ng kompiyansa sa sarili. At minsan, yung takot na to binabalot at itinatago namin sa galit. Nagpapakabitter at defensive. Naiinsecure kasi kami. Natatakot na baka hindi kami enough. Kulang. Baka mapalitan. Try niyo din kaya minsang suotin tong sapatos namin at nang maramdaman niyo kung gaano kahirap magtago ng kilig kapag dumadaan kayo. Kung gaano kahirap mairapan ng mga kaibigan kapag lagi naming nababanggit ang pangalan niyo. Kung gaano kahirap magpasimpleng tingin kapag nakakasalubong kayo. Kung gaano kahirap pigilin yung damdamin na GUSTO NAMIN KAYO PERO WALA KAMING MAGAWA kahit umamin man lang sa inyo. Ang hirap. Kaya mga girls, kaya natin to! Let us take a risk. Take a chance. Who knows, we can make a change! Tara’t lumabas sa ating mga comfort zones. Malay natin, sang-ayon pala sa atin ang tadhana. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s