Posted in Uncategorized

Terminal

Gusto ko sanang maghintay,

Baka may dumating

May dumating na araw na ang ating mga damdamin

Ay magiging pareho rin

Gusto ko sanang maghintay,

Kaso baka di ka dumating

Gusto ko sanang maghintay

Baka sakaling tayo’y pareho rin

Na naghihintay lamang ng pagkakataon

Na nagaabang ng tamang tyempo

At sa tamang panahon magkakaaminan din

Gusto ko sanang maghintay

Kaso, malabo

Malabo yung posibilidad na iniisip ko

Malabo yung tayo na hinihintay ko

Gusto ko sanang maghintay

Kaso di ka naman dadating

Naisip ko, baka nga tayo’y pareho rin.

Pareho na naghihintay.

Sa taong di natin alam kung darating

Dadating ba siya? 

Kasi kung hindi, pwede naman akong pumunta

Kung nasaan ka, at magsisimula tayong muli

Muling maglakad, tumakbo at lumayo 

Mula sa dati nating pinaghintayan

On the way na ba siya? kasi kung hindi sabihin mo lang at ako ay dadating

Dadating ba siya? 

Kasi naghihintay lang din ako.

Nandito lang ako. 

Sa kabilang terminal na pinaghihintayan mo. 

Nandito lang ako. 

Naghihintay, na di siya dumating

Baka sakaling, kung di siya dumating

Dumating naman ang oras na ako ay iyong mapapansin.

Advertisements

Author:

Just a typical girl who writes randomly about the things that captures my heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s