Posted in poetry

Paalam.

Paalam. Isang salita ngunit hindi ko man lang naipagsigawan. 

Paalam, di mo man lang ako narinig.

Di ko man lang narinig kung ikaw ay magpapaalam pabalik. 

Paalam. Isang salita, pero di man ako nabigyan ng pagkakataon,

Na sayo ay sabihin,

Na ikaw ay yakapin…

Paano kung hindi na tayo magkita muli?

Dahil ito, nakatayo na ako sa dulo,

Tinatanaw ka pabalik. Di pa handa sa sunod na hakbang na gagawin. Wala na ring manwal na susundin. 

Paalam, nakikita mo ba ako? Malamang hindi. 

Malamang, sa iba ka nakatingin. 

Pero okay lang, paalam na din. 

Sana tayo’y, kahit papaano’y naging tayo’y magkaibigan.

Naging madali sana sambitin lahat ng nais na sabihin. 

Paalam, ito na ang dulo ng aking daraanan.

Ang daan na mayroong ikaw at ako na parehong binaybay ang dulo ng patutunguhan. 

Mukhang dito ko na lamang mabibigkas,

Mukhang dito na din magwawakas

Kaya paalam.

Pero sana magkita pa tayo muli.

Dahil ito ang dulo pa lamang ng kalahati.

At sana, ikaw ay nakangiti.

Sana, pareho na.

Sana pwede na.

Ilang sana at sana ay mangyari pa.

Sana sa ating paglalakad patungo sa kabilang dulo,

Tayo ay magkatagpo.

Paalam, mula sa lihim na nagmamahal sayo.

Advertisements